Friday, October 19, 2012

Maligayang Pasko, Kapamilya - The 2004 ABS-CBN Christmas Slogan


SABAY TAYO - the ABS-CBN theme song
Lyrics: Robert G. Labayen
Music: Jessie Lasaten
Performed by the ABS-CBN Philharmonic Orchestra


(Martin)
Sa ‘yo ko lang naranasan, ang lambing na totohanan


(Zsa Zsa)
ngiti mong di nagpapanaw, ano pa man ang pagdaanan


(Kuh)
Walang malungkot na araw, pag ang kasama ay ikaw


(Gary V)
At sa pinag-isang damdamin, malayo ma’y, magkapiling pa rin


(Vina)
Sabay tayo, sa bawat pagtibok ng ating puso


(Sarah G)
Sabay tayo, sa lahat ng nais ako’y kasama mo


(Eric Santos)
Sabay tayong lumuha, sabay tayong magsaya


(Christian & Mark Bautista)
Sabay nagsisikap sa iisang pangarap


(Frenchie, Rachel, Shreyn)
Magkaramay sa lumbay, magkasama sa lahat ng tagumpay!


(Gloc9 Rap)
Makinig, manginig masdan ang aking bibig,
May sasabihin akong talagang nakakakilig
Matagal ko na itong sa sarili nabatid
Napaka-swerte ko at ikaw ay aking kapatid.
Lahing malupit, lahing astig,matinik, magaling,
Malikot ang isip kahit saang dako ng daigdig
Kapag ikaw at ako’y magkasabay, may malaking bagay
Itigil na natin, alitan at ano mang away
Yabangan, bangayan, tama na ang paligsahan
Mas gusto ko pa na tayong lahat ay magyakapan
Isang pamilya sama-sama, ating lahi bigyan ng kulay
Bandila’y iwagayway, buong mundo ay magpupugay
Sama-sama, lahat ay mag-hawak-kamay
Bawat isa sa atin ay magsi-silbing gabay
Sama-sama, lahat ay mag-hawak-kamay
Bawat isa sa atin ay magsi-silbing gabay


(Hail Mary the Queen Choir)
Sa pinag-isang layunin
Sa pinag-samang galling
Saan man dito sa mundo
Ikaw at ako’y mag-niningning
Kapag kamay mo’y aking hawak
Para akong may pakpak


(Madrigal Singers)
Pagsubok man ay umapaw
Ikaw at ako’y mangingibabaw


(All)
Sabay tayo, sa bawat pagtibok ng ating puso
Sabay tayo, sa lahat ng nais ako’y kasama mo
Sabay tayong lumuha, sabay tayong magsaya
Sabay nagsisikap sa isang pangarap
Magkaramay sa lumbay
Magkasama sa lahat ng tagumpay!


Sabay tayo, sa bawat pagtibok ng ating puso
Sabay tayo, sa lahat ng nais ako’y kasama mo
Sabay tayong lumuha, sabay tayong magsaya
Sabay nagsisikap sa isang pangarap
Magkaramay sa lumbay
Magkasama sa lahat ng tagumpay!

No comments:

Post a Comment