Tuesday, October 23, 2012

Angelus, Lord's Prayer and Psalm 91

THE ANGELUS 
(During Ordinary, Advent, Christmas, and Lenten Season) 
Sa ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. 
V- Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria, 
R- At siya'y naglihi lalang ng Espiritu Santo. 
Aba Ginoong Maria... 
V- Narito ang alipin ng Panginoon, 
R- Maganap nawa sa akin ayon sa wika Mo. 
Aba Ginoong Maria... 
V- At ang verbo ay nagkatawang-tao, 
R- At nakipamayan sa amin. 
Aba Ginoong Maria... 
V- Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos, 
R- Nang kami ay dapat makinabang sa mga pangako ni Cristo. 

Manalangin Tayo: 

Panginoon naming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na Grasya, at yayamang dahilan sa ipinamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang-tao ni Hesu-Kristong Anak Mo. Pakundangan sa Mahal Niyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus ay papakinabangan Mo kami sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, sa kaluwalhatian ng Langit, alang-alang kay Hesu-Kristo ring Panginoon namin. Siya nawa. 

V- Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo, 
R- Kapara noong unang-una, ngayon at magpakailanman, at magpasa-Walang Hanggan. Amen (Three times). 
Sa ngalan (+) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. 


THE LORD'S PRAYER (MALOTTE) 
Our Father, who art in Heaven, hallowed be Thy Name, Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in Heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our debts as we forgive our debtors. And lead us not into temptation but deliver us from evil. For thine is the kingdom, and the power, and the glory. Forever. A.....men... A....men.... 

AWIT NG PAGTITIWALA SA DIYOS SALMO 91 

1. Siyang naghahangad ng pagkupkop ng kataas-taasan, at nananatili sa kalinga niyong makapangyarihan. 
2. Makapagsasabi sa kanyang Panginoon, "Muog ka't tahanan; ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan 
3. Ikaw'y ililigtas niya sa panganib sa umang na bitag, at kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas. 
4. Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak, sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas; iingatan niya't ipagsasanggalang pagkat siya'y tapat. 
5. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw. 
6. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating. 
7. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo di ka matatakot at natitiyak mong di ka maaano. 
8. Ikaw'y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan. 
9. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y kataas-taasan. 
10. Di mo aabuting ikaw'y mapahamak, at walang daratal. Kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. 
11. Susuguin niya ang maraming anghel, silang susubaybay kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan. 
12. Sa kanilang palad ay itatayo ka't sila'ng magtataas, nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas. 
13. Kahit ang tapakan mo ay ang mga leon, ahas na mabagsik di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis. 
14. Ang sabi ng Diyos, "Aking ililigtas ang tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin. 
15. Pag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan, aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. 
16. Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay at nakatitiyak na ang tatamuhin nila'y kaligtasan!" 

No comments:

Post a Comment